Lalake patay matapos malunod sa Malilipot, Albay

LEGAZPI CITY – Dead on arrival na sa ospital ang isang lalaki matapos malunod sa tubig sa Busay Falls, Brgy 1, Malilipot, Albay.

 Kinilala ang biktima na si Raymart Diaz Domiguez, 21 anyos, kasalukuyang naninirahan sa nasabing barangay at residente ng Brgy. Bibingcahan lungsod ng Sorsogon. Ayon sa imbestigasyon, nag-iinuman ang biktima kasama ang limang ka trabaho sa nasabing falls, lumusong si ito sa tubig ngunit napansin ng kanyang kasamahan na hindi na ito umahon pa sa tubig.

 Agad na nilusong ang lalim ng tubig ng kasama nito at doon na narekober ang katawan ng biktima sa ilalim ng tubig. Dali dali ng isinugod sa Ziga Hospital para sa medikal na atensyon, ngunit ayon dito, ang biktima ay idineklara na wala ng buhay ng attending physician.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *