National

Lalaki kalaboso matapos maaktuhang naglilibing ng fetus

Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki sa Quezon City matapos itong maaktuhan naglilibing ng fetus sa isang madilim na bahagi ng Barangay Greater Lagro kagabi.

Ayon sa report saktong nagroronda ang mga taga-QC Task Force Disiplina kagabi ng makita ang suspek sa isang bakanteng lote at bitbit ang isang plastic.

Naghinala umano ang grupo kaya agad sinisayasat ang bitbit na supot ng lalaki na dumayo pa sa Quezon City pero ito ay residente ng Caloocan.

Dito na tumambad ang fetus na hinihinalang nasa anim hangang pitong buwan na.

Napag-alaman na mula sa 14-anyos nitong anak-anakan ang fetus at ang masaklap pa ay siya mismo ang ama nito.

Nabatid din na nasa abroad ang ina ng dalagita.

Nakatakda namang sampahan ang suspek ng reklamong intentional abortion at ngayon ay nasa kustodiya na ng Caloocan Police.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago