Lalaki mula sa china, aksidenteng nalunok ang kanyang sepilyo dahil sa sobrang antok!

Nasa ligtas na ngayong kalagayan ang isang lalaki sa China matapos nitong sumailalim sa isang maselang operasyon matapos nitong aksidenteng malunok ang sepilyo habang nagto toothbrush dahil sa sobrang antok.

Nagmula ang hindi na pinangalana pang lalaki sa Jiangsu Province sa China.

Ayon sa lalaki, kulang siya sa tulog kung kayat wwala siya sa kanyang sarili habang nagsisipilyo at hindi na napansin na nalunok na niya ito.

Sinubukan niyang sungkitin ito mula sa kanyang lalamunan gamit ang kanyang daliri ngunit lalo pa niya itong naitulak papasok dahil sa madulas na dulo nito. Dito na dali daling tumakbo sa ospital ang biktima.

Kaagad naman itong isinailalim sa x-ray at kalauna’y kinailangang isailalim sa emergency gastroscopic operation para matagal ang nalunok nitong bagay.

Ayon kay Dr. Wang Jianrong, head ng department of gastroenterology ng Taizhou Fourth People’s Hospital, hindi naging madali ang isinagawang operasyon at inabot ppa ng ilang oras bago nakuha ang toothbrush.

Gayunpaman, tama umano ang ginawa ng lalaki na pumunta agad sa ospital dahil kung pinatagal pa niya ito, magtatamo nang malaking pinsala ang kanyang esophagus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *