Lalaki, nahulog sa tulay sa Lucena City

Nahulog ang isang lalaki sa tulay sa Purok Lansonesan 1 sa Barangay, Ilayang Talim, Lucena City nitong Miyerkules, Abril 10.

Ayon sa Pamahalaang Pambarangay ng Ilayang Talim, bandang alas-7:30 ng umaga ng makita ng isang ginang ang lalaki na nahulog sa nasabing tulay.

Tumagal ng mahigit isang oras ang pag-rescue para maiahon ang lalaki, nagtamo ng bali sa kaliwang hita dahil sa pagkakahulog nito.

Samantala, inaalam pa rin ang dahilan kung bakit nahulog ang lalaki at kasalukuyan ng nagpapagaling ang biktima sa hospital.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *