Lalaki nakahagip ng isang babae matapos magtangkang tumakas ng aarestuhin sa Oas, Albay

LEGAZPI-Doble doble ang kasong kakaharapin ngayon ng isang lalaki na nagtangkang pumuslit mula sa mga awtoridad habang nasa proseso ng pagsisilbi sa kanya ng “warrant of arrest” sa Purok 6, Brgy. Ilaor Norte, Oas, Albay.

Habang inaaresto ng mga tauhan ng Oas MPS katuwang ang PIU-Albay PPO at Gumaca MPS ang akusado na si “Joseph”, 42 taong gulang, caretaker, at residente ng ng nabanggit na lugar ay nagpumilit di umano itong tmakas gamit ang kanyang motrosiklo.

Subalit sa kasamaang palad ay nakabangga pa ito ng isang ginang na naglalakad sa nasabing lugar, na nahulog pa sa gild ng kalsada at nagtamo ng mga sugat sa ibat-ibang parte ng katawan.

Ang akusado ay may nakabinbin na kasong “Reckless Imprudence Resulting to Double Damage to Property” na ipinalabas ng San Juan-Mata, MCTC, Gumaca, Quezon na may petsang Enero 3, 2019 na may inirekomendang piyansa na Php 18,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Kaya maliban sa kasong kinakaharap ng akusado, siya ay mahaharap pa sa isang panibagong kaso dahil sa tangkang pagtakas at pagkakabangga sa nasabing ginang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *