Lalaki, patay matapos makuryente sa Calauag, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos itong makuryente sa Barangay Apad Quezon, Calauag nitong Martes, Abril 9.

Ayon sa police report, yapak umano noong naglalakad ang biktima malapit sa balon nang bigla itong makuryente dahil sa water pump na noon ay nasa basang lupa.

Nagtamo ng mga injury sa katawan ang biktima kung kaya isinugod ito sa hospital para malapatan ng lunas subalit idineklara rin itong dead on arrival.

Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng pamilya ang mga labi ng biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *