Lalaki sa Legazpi City, naglabas ng sama ng loob dahil sa kawalan ng incubator sa ilang mga ospital sa lunsod

LEGAZPI CITY – Labis na sama ng loob ang inilabas ng isang padre de pamilya sa Legazpi City sa social media tungkol sa kawalan ng incubator sa ilang mga ospital sa lunsod, dahil manganganak na ang kanyang asawa kanina lamang na medaling araw.

Sa naging salaysay ni Baylon sa Brigada News FM Legazpi, sinabi niyang nakaplano talagang manganak ang kanyang asawa sa isang lying-in clinic, ngunit doon ay sinabi sa kanilang highblood ang kanyang misis, kaya’t pumunta sila sa Legazpi City Hospital at dito napag-alamang 2 weeks na premature ang sanggol na nasa sinapupunan, kung kaya’t kinakailangan itong i-incubate, ngunit wala namang incubator sa nasabing ospital kaya’t ini-refer sila sa Tanchuling Hospital.

Pagdating nila umano, nagkaroon ng mga interview at pina-fill-out ng kung anu-ano, ngunit tulad ng una, wala ring incubator, kaya’t ini-refer naman sila sa Albay Doctor’s Hospital sa pag-asang mayroon nang incubator.

Pagdating nila, inakala niyang maayos na ang lahat dahil in-accommodate sila, kaya’t umalis na siya roon upang puntahan din ang isa pa nyang anak, ngunit bigla muli siyang tinawagan at nalaman niyang tulad ng mga nauna, wala ring incubator.

Dahil dito, napagdesisyonan nilang pumunta na lamang sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH), at napaanak ang kanyang asawa bandang alas kwatro nang medaling araw.

Sa labis na pagkainis ay naipost niya ang sama ng loob na naramdaman sa social media.

Kaya niya umano naisipang ipost ang karanasan sa social media, ay upang paalalahanan ang publiko na kung mayroong mga emergencies katulad ng sa kanila, pumunta agad sa ospital na siguradong kumpleto sa pasilidad at kagamitan.

Samanatala, sa ngayon ay wala pang pahayag ang nabanggit na mga ospital tungkol sa naturang insidente, habang sinusubukan ding kunin ang panig ng City Health Office upang malaman ang kanilang paliwanag at mga hakbang nang hindi na maulit pa ang ganitong mga karanasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *