Local News

Lalaking magsasauli ng nabiling cellphone, binaril

Isang insidente ng pamamaril ang naganap kahapon sa bahagi ng National Highway ng Bgy. Tiniguiban , Puerto Princesa City.

Kinilala ang biktima na si Charlie Slivestre Loterte 29 anyos residente ng Purok Anonang Bgy. Sicsican habang kinilala ang suspek na si Johnrey Cabañero Rosiana 21 anyos, cellphone technician  nakatira sa Purok Matiyaga Bgy. San Jose.

Ayon sa ulat ng Police Station 2 , nagkasundo ang dalawa kahapon na magkita  sa harap ng establisyemento at mall para ibalik ng biktima ang kanyang nabiling  cellphone sa suspek dahil sa ilang problema kaya hindi magamit ng maayos.

Nakatanggap pa umano ng mensahe ang biktima mula sa suspek “ Tawid ka sa kabila , nakamotor ako basta tawid ka sa kabilang side.”  Nang biglang  bumunot ng baril ang suspek at binaril ang biktima mabuti na lamang ay hindi ito tinamaan.

Mabilis na  tumakas ang suspek sakay ng kanyang scooter motorcycle habang may nakakita  dito kaya agad nadakip kahapon sa kanilang tahanan.

Kasong  attempted murder ang inihahandang kaso laban sa suspek.

BNFM Palawan

Recent Posts

P15.5B na disaster relief fund, naka standby para sa El Niño

Tiniyak ni Department of Budget and Management (DBM) ang suporta ng pamahalaan para sa mga…

9 mins ago

Pilipinas, hindi pa umano handa sa paggamit ng nuclear power plant

Maraming nang mga bansa na ang naging bukas sa paggamit ng nuclear power dahil na…

11 mins ago

Political amendment sa Saligang Batas, malaki ang maitutulong sa paglaban sa gutom – senador

Binigyang-diin ni Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, Chairperson, Senador Robin Padilla…

16 mins ago

China, hinamon ng isang kongresista na tumupad sa kasunduan sa Amerika para umiwas sa “miscalculations”

Ikinalugod ni Cagayan De Oro City Second District Representative Rufus Rodriguez ang pangako ni US…

22 mins ago

GenSan dili pa makadeklara og ‘state of calamity’ dungan sa nasinatiang El Niño

WALA nakita sa mga opisyal ang pagpailawom sa GenSan sa state of calamity luyo sa…

26 mins ago

Pagpangawat sa menor de edad, sapon sa CCTV

DAKPAN ang menor de edad nga lalaki human na-track ang lokasyon sa usa ka cellphone…

27 mins ago