Lalaking nag-amok gamit ang kutsilyo, arestado sa Batangas City

Arestado ang isang lalaki matapos na mag-amok gamit ang kutsilyo sa Sitio Puyo, Brgy. Sta Clara, Batangas City kahapon ng umaga.

Kinilala ng Batangas City Police Station ang suspek na si Richard Mendoza Pagcaliwagan, 37 anyos at residente ng Sitio Relocation, Brgy. Balete, Batangas City.

Sinabi sa Brigada Batangas ng Batangas CPS na nanghahamon umano ng away ang biktima habang dala-dala ang kutsilyo.

Inireklamo ito ng mga residente sa Sitio Puyo Police Assistance Center dahil sa takot na posible itong manaksak.

Matapos na rumesponde ang mga awtoridad ay tumangging sumunod ang suspek at agad ito ay kumaripas ng takbo.

Tuluyan itong naaresto sa isinagawang follow up operation.

Nasa kustodiya na ng Batangas CPS ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 6 o Illegal Possession of Bladed Weapon at Resistance and Disobedience in Agent of Person in Authority.

Hindi naman sinabi ng suspek ang dahilan ng kanyang paghahamon ng away.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *