Lalaking nakasuot ng ‘Joker’ costume umatake sa tren sa Tokyo, 17 sugatan

Sugatan ang 17 tao na sakay ng tren matapos ang knife at arson attach sa underground traine line sa Tokyo Japan.

Kinumpirma ng mga otoridad na ilan sa mga sugatan ang seriously injured habang isang matandang lalaki ang unconscious dahil sa tinamong saksak.

Makikita sa video na nagtatakbuhan ang mga pasahero sa loob ng tren nang sumiklab ang apoy habang nagkukumahog ang iba na makalabas sa mga bintana.

Ayon sa mga pulis, isang lalaking tinatayang nasa 20 anyos at naka-Halloween costume ang naaresto sa crime scene Inihayag ng ilan sa mga testigo na inakala nilang Halloween stunt lang ang ginawa ng lalaking ginaya ang suot ng Joker character sa Batman comics.

Laking gulat na lang umano ng terstigo nang biglang umatake ang suspect gamit ang dala nitong kutsilyo. Napag-alamang nag-spray ng clear liquid ang suspect sa tren bago ito nagsilab.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *