Lalaking negosyante ng illegal na droga, timbog

Timbog ang isang lalaki na kabilang sa street level individual ng mga otoridad sa Cagayan.

Kinilala ang suspek na si alyas Marcelino, 36 anyos, may asawa, walang trabaho at kasalukuyang naninirahan sa Carig Sur, Tuguegarao City, Cagayan.

Nahuli ang suspek sa pagbebenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isa sa mga operatiba na nagpanggap na poseur buyer.

Nasamsam din mula sa suspek ang sampung piraso ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang empty sachet na may standard drug price na 15,000 pesos.

Samantala, ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at kasalukuyang nasa kustodiya ng Tuguegarao City Police Station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *