Lalawigan ng Catanduanes muling nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 kahapon

BNFM BICOL—Muling nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 ang islang lalawigang ng Catanduanes matapos na maidagdag ang 60 bagong kaso ng sakit kahapon.

Batay sa ulat ng Department of Health-Bicol, 16 sa mga ito ang naitala sa bayan ng Virac; 12 sa Bato; walo sa Panganiban; tig-pito ang Caramoran at San Andres; apat sa bayan ng San Miguel; tatlo sa Pandan; dalawa sa Baras habang isa naman ang mula sa Bagamanoc.

Sa kasalukyan ay nakapagtala na ang lalawigan ng 2,248 na kumpirmadong kaso ng sakit kung saan 481 sa mga ito ang aktibong kaso.

Kaugnay nito, nagpapatuloy naman ang pagbabakuna sa mga economic frontliners sa isla na kinabibilangan ng mga market vendors, mga negosyante at iba pang indibidwal na madalas rin na magkaroon ng interaksyon sa iba’t-ibang tao sakanilang araw-araw na trabaho.

Sa bayan ng Virac, nasa 330 mga economic frontliners na ang nabakunahan sa nagpapatuloy na vacccination roll out sa Catanduanes State University sa ilalim ng DOH Catanduanes Cares Program na naglalayong mapabilis ang pagkamit sa herd immunity ng islang lalawigan.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *