LAMPARA tool, ginamit ng APSEMO at UNDP upang masuri ang resiliency ng mga LGUs sa Albay

LEGAZPI CITY – Ginamit ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) katuwang ang United Nation Development Program (UNDP) ang Local Assessment and Monitoring for the Promotion and Advancement of Resilient Actions (LAMPARA) upang masuri ang resiliency building ng mga local government units (LGUs) sa lalawigan.

Ang inspirasyon sa likod ng ideya ng LAMPARA ay ang ‘liwanag ng lampara’ na nagsilbing tanglaw ng pag-asa ni Dr. Jose Rizal at ginamit bilang kasangkapan sa kanyang kaliwanagan.

Sa pagpupulong naman na isinagawa, sinabi ng APSEMO at UNDP, katuwang ang Philippine Society for Public Administration (PSPA) para tulungan silang sukatin at suriin ang limang pangunahing sektor ng lalawigan – Economic, Social, Infrastructure, Environment at Institutional sectors gamit ang LAMPARA.

Ito ay nilahukan ng mga pangunahing pinuno ng departamento, mga kinatawan mula sa Civil Society Organization at Non- Government Organization.

Nilikha ng UNDP ang LAMPARA kasama ang mga consortium partner nito, ang United Nations Human Settlements Program (UN-HABITAT), kasama rin ang Philippine Business for Social Progress (PBSP), National Resilience Council (NRC), at Consortium of Bangsamoro Civil Society (CBCS).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *