LGU dapat i-monitor ang operasyon ng mga talpakan sa kanilang lugar

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG)  na dapat i- monitor ng mga Local Government Units ang operasyon ng mga talpakan sa kanilang lugar.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Local Government Operation Officer VIII Jerwin Novio ng DILG Provincial Office na sana sa mga oras na ito ay wala nang nag o- operate na  E- sabong kasunod nang naging kautusan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hinimok ni Novio ang publiko na kung merong nalalaman na nag ooperate ng e- sabong ay ipagbigay alam sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.

Aniya, nasa mga LGU na ang bola ng implementasyon ng pagpapatupad ng pagbabawal ng e- sabong.

Matatandaan na sinabi ng Pangulo sa kaniyang na sinasangayunan niya ang naging rekomendasyon ng kalihim ng DILG.

Ang E- sabong ang sinisisi sa pagkasira umano ng “moral values” ng  maraming pinoy.

Kaugnay naman nito ay nagpaalala ang DILG na posibleng arestuhin at maharap sa kaso ang mga violators.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *