LGU Legazpi, muling napili bilang 2nd competitive city sa ilalim ng component category sa taong 2021

LEGAZPI CITY – Muling napili ang lokal na pamahalaan ng kaparehong lunsod bilang pangalawang “competitive” city sa ilalim ng component city category para sa 2021 ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon sa DTI, mula sa mahigit 1,000 lunsod sa bansa ay nakuha pa rin ng LGU Legazpi ang nasabing parangal.

Natanggap ng LGU ang parangal mula sa DTI sa 10th Cities and Municipalities Competitiveness Summit sa Philippine International Convention Center (PICC), kung saan dinalohan ito nila Vice Mayor Robert “Bobby” Cristobal, kasama sina councilors Glen Casulla at Luis Gutierrez.

Ang nasabing lunsod ay pumangalawa sa pangkalahatan bilang competitive city, kasama ang Naga City bilang no.1.

Ayon kay Cristobal, ang lungsod na ito ay nangunguna rin sa pag-unlad ng imprastraktura, pangatlo sa economic dynamism, at panglima sa kahusayan ng pamahalaan.

Hindi na rin bago ito bago sa lokal na pamahalaan dahil nitong mga nagdaang taon ay palagiang napapasama sa top ang lungsod.

Kung matatandaan nitong taong 2016, nasa Top 3 ang Legazpi, taong 2017 ay top 5; 2018 ay Top 1; at 2019 ay Top 2.

Ayon din sa alkalde, ang parangal na ito ay isang magandang hudyat at clear manifestation para sa pamahalaan na ang mga tao ay palaging nagtatrabaho para sa pag-unlad ng lunsod.

Kinikilala ng Regional Competitiveness Committee (RCC) ang competitive local government units (LGUs) na mahusay sa apat na haligi ng economic dynamism, government efficiency, infrastructure development, at resiliency upang magbigay ng inspirasyon at hikayatin silang makaakit ng mga investor sa kanilang mga lokalidad sa pagpapalakas ng ekonomiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *