Local News

LGU Mercedes ipinatawag ang mga opisyal ng Jeepney Drivers Association para pag usapan ang mga problemang kanilang kinahakarap

CAMARINES NORTE- Nagpatawag ng pagpupulong ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes, Camarines Norte sa mga opisyal ng Mercedes Jeepney  Drivers Association  para pag usapan ang tungkol sa schedule ng kanilang pamamasada.

Kaugnay ito ng ilang reklamo at suliranin ng mga  pasahero nang bumalik na sa normal full seating capacity ang isang pampasaherong jeep.

Kung maalala ay ipinatupad  ng IATF ang social distancing  sa bawat pasahero dahil sa COVID 19 kung kayat halos 50% mula sa orihinal na bilang ang maaaring sumakay.

Paliwanag ng transport sector Chairman Roel Reyes na   48 unit ang kabuuang jeep na may rutang Mercedes, pero dahil sa atas ng IATF hinati nila sa tatlong grupo .

Ibig sabibin 16 na jeep ang papasada sa isang araw, habang pahinga naman ang 2 grupo.

Kaya naman nang ipatupad na ang ful face-to-face classes ng mga estudyante sa huling bahagi ng nakaraang taon at isang daang porsiento na ring pumapasok sa trabaho ang mga empleado naging pahirapan na ang pagsakay partikular sa umaga mula sa centro ng Mercedes patungong Daet.

Dahil kakaunti ang jeep ang isang pasahero ay gumugugol ng mahabang oras sa paghihintay at napakahaba naman ng pila ng pasahero sa oras ng uwian.

Kaya napagkasunduan na gagawin nang 50% ang jeep na lalabas kada araw katumbas ng 24 unit para mas ma- accommodate ang maraming pasahero.

Pinangunahan ni Mayor Alexander Pajarillo ang pagpupulong kung saan presente rin ang hepe ng Mercedes MPS na si Police Major Romeo Hugo, at iba pang kinatawan ng transport sector.

BNFM Daet

Recent Posts

Balikatan exercise – opisyal nang nagtapos

Itinuring na isang tagumpay ang 39th Balikatan Exercise sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at…

28 mins ago

Cong. LRay Villafuerte – kumpyansang susuportahan ng mayorya ang pag-reschedule ng 2025 BSKE sa 2026

Positibo si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na makakukuha siya ng suporta sa kanyang isinusulong…

51 mins ago

NSA Año: kailangan ng aksyon sa nagsabing may ‘phone call’ sa pagitan ng China at ng WesCoM

Nanawagan ang National Security Council (NSC) sa Department of Foreign Affairs (DFA) na bigyan ng…

51 mins ago

AFP, walang imbestigasyon sa nag-leave na WESCOM Chief na si Vice Adm. Carlos

Nire-respeto ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang leave of absence ni Vice Adm.…

56 mins ago

PBBM – walang nababalitaang destab plot laban sa kanya mula sa mga active police

Wala umanong natatanggap na report si Pangulong Bongbong Marcos na may nilulutong destab plot ang…

58 mins ago

PNP, sinisilip ang pagkasangkot sa hacking ng govt websites ng POGO sa Tarlac

Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang impormasyong sangkot sa surveillance at hacking sa…

1 hour ago