LGU San Vicente sisimulan na ang paggamit ng Stay Safe App para sa mas mabilisang contact tracing

CAMARINES NORTE- Sinisimulan na ng Lokal na Pamahalaan ng San Vicente ang pagpapatala sa  STAY SAFE APP para sa mas mabilisang contact tracing.

Sa impormasyong nakalap ng Brigada news Fm daet mula sa Public Infromation Office ng naturang LGU, Sa pamamagitan ng paggamit ng nasabing app, magiging contactless at paperless na ang contact tracing at mas mapapabilis din ang pagsususog sa mga posibleng nakasalamuha ng nagpositibo sa COVID-19.

Kinakailangan lamang na idownload ang STAY SAFE APP at magparehistro

Ang residente o sinuman na magtutungo sa munisipyo ay kailangan kailangan ng i-scan ang QR CODE na nakalagay sa entrance ng municipal building.

Sa may mga katanunangan maaaring makipagugnayan kay G. Rolando Parro team leader ng dilg contact tracer na nakatalaga dito sa naturang bayan sa pamamagitan ng kanyang CP # 0956913038

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *