Libingan ng mga local heroes at mga naging unang Mayor sa Naga City kabilang sa posibleng maging historical landmarks sa lungsod; pag aproba ng national historical institute inaasahan

NAGA CITY – May rekomendasyon ang komitiba ni City Councilor Jose Perez, Chairman ng Culture and Arts at Tourism na gawing isa sa historical places o landmarks ang mga libingan ng mga local heroes at mga unang naging alkalde ng Naga City.

Kabilang na rito ang libingan ni Juan Querubin Miranda, na tubong Canaman, Camarines Sur, kauna-unahang Representative o Congressman na siyang dahilan para maging Independent Component City ang Naga.

Nakalibing siya sa pribadong sementeryo ng Sto. Niño Memorial Park sa Barangay Balatas. 

Pati na rin ang kauna-unahang Pilipinong gobernador sa Camarines Sur, na nasa Concepcion Public Cemetery nakalibing, ay dapat bigyan din atensyon.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Konsehal Perez, sinabi nitong tamang-tama ang galawan nilang ito dahil magsisimula ang mga programa at aktibidad para sa ika 75 taong anibersaryong selebrasyon ang Naga City, ngayon buwan.

Aniya’y nakatakda silang pumunta sa National Historical Institute ni Allen Reondanga, Acting Head ng Culture and Arts, para i-presenta nila ang ilang problema at isyu sa mga libingang ito na hangad nilang gawin landmarks o historical place, dahil mahalaga ang naging papel ng mga ito sa tinamasang kalayaan at ekonomiya ng lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *