Libo-libong Quezonians, dumayo sa libreng serbisyong medikal ni First Lady Marcos

Dinagsa ng libo-libong mga residente mula sa Lalawigan ng Quezon ang ginanap na Lab For All: Laboratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat ni First Lady Liza Araneta-Marcos nitong Martes, Enero 9.

Bukod sa libreng gamot at konsultasyon na hatid ng Department of Health (DOH), nag-abot din ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na personal na dinaluhan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian.

Isa lamang ang Lab For All sa mga hakbangin ng administrasyong Marcos upang mas mapalakas at maiangat ang sektor ng kalusugan hindi lamang sa lalawigan ng Quezon gayundin sa buong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *