Limang barangay at tatlong eskwelahan sa San Felipe, nabigyan ng ‘disaster aide’ ng German Redcross

Nagpamahagi ng mga ‘disaster aide kits’ o kagamitan sa kahandaan sa sakuna ang internasyunal na organisasyon na German Redcross sa bayan ng San Felipe.

Ito ay tulong para maka-alpas sa problemang dulot ng kalamidad ang ilang barangay at eskwelahan at mapadali ang anumang ‘rescue mission’ kung sakali.

Ang mga kagamitan ay iniabot mismo ng kawani ng German Redcross sa Lgu nito lamang January 9.

Ang ipinamigay na kagamitan sa bawat sektor ay parte umano ng epic drrm o empowering the Philippine Institutions And Communities in Disaster Risk Reduction and Management na proyekto ng Redcross.

Ang disaster aide na naipamigay ay mga power generators, fire extinguishers, tents, go bags solar lights, chainsaw at rubber boats at iba pa.

BNFM OLONGAPO-RUSSEL BANAWA

 Courtesy :Red cross – San Felipe as one

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *