Liza Diño, wi-nelcome si Tirso Cruz III bilang bagong FDCP chairman

Wi-nelcome ni Liza Diño ang veteran actor na si Tirso Cruz III bilang bagong chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Sa isang video Facebook post ni Diño, ipinaabot niya ang kanyang suporta at pagbati sa aktor kung saan sinabi niyang aware na siya dito pero wala pa umano siyang natatanggap na ‘official communication’ mula sa Office of the President.

Matatandaang inire-appoint siya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang head ng FDCP nitong Marso.

Samantala, inamin ni Cruz na mabigat na trabaho ang gagampanang niyang tungkulin dito at kailangan umano niya ang tulong ng council nito. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *