LOA ni DBM Sec. Avisado walang epekto sa ‘early passage’ ng 2022 budget

Naniniwala ang ilang senador na hindi makaka-apekto ang leave of absence ni Department of Budget and Management Secretary Wendel Avisado para sa ‘early passage’ ng 2022 budget.

Ayon kay Sen. Panfilo Ping Lacson kahit wala ang presensiya ni Avisado maraming miyembro ang DBM na mga competent at capable career undersecretaries at assistant secretaries.

Kung kaya’t hindi umano nakikita ng senador na magkakaroon ng delay sa mandatong 30-day period submission ng National Expenditure Program sa kongreso matapos ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi rin umano dapat maantala ang mga isasagawang public hearing sa budget sa parehong Appropriations Committee ng Kamara at Senate Finance Committee.

Nabatid na batay sa opisyal na pahayag ng DBM,nagfile ng medical leave si Avisado mula August 2 hangang 13 matapos tamaan ng COVID-19 kung saan na-ospital ito ng walong araw at na-quarantine ng mahigit isang buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *