Locsin, binatikos ang mga pang-aabuso sa kalikasan sa climate change summit

Naniniwala si Foreign Affairse Secretary Teodoro Locsin Jr. na ang pag-aabuso sa kalikasan ang dahilan ng mga sakuna ngayon.

Sinabi ito ni Locsin sa 26th Session ng Conference of the Parties (COP26) sa United Nations Framework Convention on Climate Change.

Iginiit ng kalihim na wala nang ibang masisisi kaugnay sa mga nangyayari ngayon sa kalikasan kungdi ang mga tao, maliban na lang kung meron ang magbubulag-bulagan.

Mababatid na isinagawa ang opisyal na pagbubukas ng dalawang linggo na UN climate summit sa Glasgow, Scotland ilang oras matapos ang preliminary climate talks nito na kasama ang world leaders ng G20 summit sa Rome.

Nagbabala naman ang World Meteorological Organization (VMO) ng United Nations na naitala nito sa nakalipas na pitong taon ang pinakamainit na panahon at sinabi na papasok na ang bansa sa “unchartered territory”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *