‘Loose electrical connection’ itinuturong sanhi ng sunog sa isang Duplex

SORSOGON CITY – Masaklap ang ika- apat na araw sa Bagong Taon ng dalawang pamilya matapos na sumiklab ang sunog sa Brgy. Binanuahan, Pilar, Sorsogon.

Kinilala ang mga may-ari ng duplex na sina Bryan Mabini at Rafael Lumbao.

Sa natanggap ng Brigada News na ulat mula kay FOI Jerome  Hernandez ng BFP-Pilar, sumiklab ang apoy dakong alas 4:13 ng hapon noong Martes, Enero 4 sa nasabing duplex sa Concordia St. Zone 7 na  kaharap mismo ng simbahan ng Our Lady Of Pillar Parish.

Umabot sa First Alarm ang sunog na wala namang naiulat na kaswalti o nasaktan.

Sa pahayag sa Brigada News ng BFP-Pilar, ‘electrical ignition due to loose electrical connection’ ang naging sanhi ng sunog na tumupok sa P63, 000.00 na halaga ng mga ari-arian sa nasabing lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *