Lorenzana pinabulaanan ang umano’y ‘secret plan’ sa pag-take over sa Sabah

Pinabulaanan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang umano’y secret plan ng mga alkalde mula sa Sulu para i-take over ang Sabah sa pamamagitan ng pagpapadala ng militia forces.

Ayon kay Lorenzana, wala silang natatanggap na intellingence report kaugnay sa naturang usapin.

Kalokohan lang umano ang naturang impormasyon at kailanman ay hindi ipag-uutos ng pamahalaan ang ganitong mga hakbang.

Magugunitang batay sa South China Morning Post inilahad nitong may 19 na Mayors sa Sulu ang nagkaroon umano ng patagong pagpupulong para sakupin ang Sabah.

Nakasaad din sa artikulo na kasalukuyan umanong nagrerecruit ang mga alkalde ng nasa 600 indibidwal para gawing armed group.

Agad naman itong pinabulaanan ng Western Mindanao Command habang tinawag naman itong ‘fake news’ ng DILG.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *