LPA, na-monitor ng PAGASA

Posible pa ring makaranas ng mga pag-ulan ngayong araw, lalo na sa bahagi ng Mindanao.

Ayon sa PAGASA, ang mga pag-ulang ito ay bunsod ng through ng Low Pressure Area (LPA).

Huling namantaan ang naturang LPA sa mahigit 600 km mula sa General Santos City.

Dahil dito, patuloy pa ring uulanin ang Davao Region at SOCKSARGEN ngayong araw.

Sa pagtataya ng weather bureau, hindi naman ito inaasahang pumasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Samantala, sa nalalabing bahagi naman ng bansa, patuloy pa rin ang epekto ng easterlies, pati na rin ang Ridge ng High Pressure Area, partikular na sa Norte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *