LTO Bicol, nagbigay ng libreng theoretical driving course sa mga driver’s license applicants sa lunsod ng Naga at Legazpi

LEGAZPI CITY – Ipinagpapatuloy pa rin ng Land Transportation Office (LTO) Bicol ang pagbibigay ng libreng Theoretical Driving Course (TDC) sa iba’t ibang lugar sa rehiyon.

Ayon sa ahensya, dalawang araw na isinagawa ang libreng TDC sa mga lunsod ng Naga at Legazpi upang ituro sa kanila ang wastong pagpapatakbo sa kalsada, dahil karamihan sa mga nagmamaneho ng mga sasakyan ay kulang pa sa kaalaman pagdating sa batas-trapiko at road signs.

Ang nasabing driver’s education seminar ay nagbibigay-daan sa mga aplikante na malaman ang mga pangunahing kaalaman sa pagmamaneho, mga patakaran at regulasyon sa trapiko at iba pang kaugnay na batas bago mag-apply para sa lisensya.

Samantala, isinagawa rin ang kaparehong aktibidad sa 50 mga kabataan sa Brgy. Sagpon Covered Court, Daraga, Albay.

Ito ang “Kalsada Project (Kalinga sa Daan) SK Free Student License” na may temang “Working with Government on Achieving Equal Access to Education, Employment, and Livelihood towards Empowerment of Indigent Youths of Bgy. Sagpon” na pangalawang pagkakataon nang isinasagawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *