Macron, tumanggi sa Russian COVID test sa Putin trip dahil sa DNA theft fears

Tumanggi si French President Emmanuel Macron sa hiling ng Kremlin na sumailalim ito sa Russian COVID-19 test, sa oras na dumating Russia para makipagkita kay President Vladimir Putin ngayong linggo.

Ayon sa ilang sources, ito umano ay para walang hawak na DNA ni Macron ang naturang bansa.

Dahil dito, ang French head of state ay didistansya mula sa Russian leader sa kanilang mahabang pag-uusap kaugnay sa krisis sa Ukraine sa Moscow.

Batay sa ulat, binigyan umano si Macron ng pagpipilian, kabilangan na rito ay kung tatanggapin nito na ang PCR test ay gagawin ng Russian para makalapit ito kay Putin, o tatanggi, pero susunod sa mas mahigpit na social distancing.

Kinumpirma ito ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov, at sinabing 6-meter (20 feet) ang distansya ng French President kay Putin.

Sa gitna nito, may source naman mula sa entourage ni Macron ang nagsabing, sasailalim si Macron sa French PCR test bago umalis, at antigen test na gagawin ng kanyang sariling doktor sa oras na dumating sa Russia. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *