Mag-tiyuhin, nagtagaan dahil umano sa “pakiusap” na hindi sinunod

Sugatan ang mag-tiyuhin matapos na magtagaan sa Barangay Tinitian, Roxas Palawan bandang alas-onse ng gabi nitong Linggo, April 23.

Ang tiyuhin ay kinilalang si Jesus Quejada Caabas, 41 anyos at ang pamangkin naman ay si Richard Mendiola Caabas, 29 anyos na pawang mga residente sa lugar.

Ayon sa PNP, humingi umano ng tulong si Caabas sa kanyang pamangkin na magbuhat ng kanyang bangka ngunit tumangi ito.

Nagkaroon umano ng pagtatalo sa dalawang panig bago sila nagtagaan.

Agad na isinugod sa pagamutan si Jesus na nagtamo ng sugat sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan habang si Richard naman ay nagpapagaling sa Roxas PNP.

Samantala, narekober ang itak na ginamit ni Caabas na may habang 14 pulgada, at ang itak na ginamit ni Richard na may habang 20 pulgada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *