Magulang ng mga Pilipinong namatay sa Israel, may panawagan kay PBMM

Hindi maiuuwi ng Pilipinas ang bangkay ng 42-anyos na caregiver sa Israel na taga Pampanga kaya bigo ang pamilya nito na makasama ang kanilang mahal sa buhay kahit na sa huling mga sandali.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Lourdines Castelvi ang Ama ni Paul Vincent Castilvi isa sa dalawang casualty ng umiinit na giyera sa pagitan ng Israel at Hamas, sinabi nito na humiling ang Misis ng kanilang anak na hindi na muna iuwi ng Pinas ang labi ni Paul.

Ayon sa Ama ng biktima, may sunog sa ilang bahagi ng katawan ang kanyang anak ng makita ito habang kinumpirma naman na may natanggap ng tulong sa pamahalaan ngunit may panawagan pa rin aniya sila kay Pangulong Bongbong Marcos.

Samantala, itinaas na ng Pilipinas ang crisis sa alert level 3 sa Gaza sa gitna ng giyera sa pagitan ng Israel at Hamas na ibigsabihin boluntaryo na ang pagpapauwi sa mga Pilipino roon at ayon sa foreign affairs nasa 70 mga Filipino sa Palestinian enclave ang humihiling ng repatriation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *