Mahigit 300 dipektibong produkto sa Camarines Sur at Naga City, sinira ng DTI; ilan sa mga produktong nakitaan pa ng paglabag, idodonate

NAGA CITY – Mahigit 300 na dipektibong produkto sa Camarines Sur at Naga City na lumabag sa Product Standard Law, ang tuluyan nang ipinasira ng Department of Trade and Industry o DTI Camarines Sur.

Ito ay dahil sa hindi pagkomply ng nasa 19 violators mula sa Camarines Sur, 9 naman sa lungsod ng Naga.

Sa panayam kay Provincial Director ng DTI Cam. Sur, Jay Ablan, kasama sa mga ipinasira, ang mga timbangan, at Christmas lights na nakumpiska kasama ang Lokal na Pamahalaan ng Naga. Ang mga plywood, low carbon steel wires, tubo, at ilan pa ay idodonate naman sa mga benepisyaryo tulad sa Naga City Solid Waste Management Office, Camsur Cacao Council na hindi maaaring gamitin sa konstruksyon.

Pagdating naman sa mga toilet bowl, ayon kay City Councilor, Jess Albeus, Chairman ng Committee on Consumer Protection, maaaring ma-idonate ang mga produkto kaya lamang ay sa ibang paraan ng panggagamitan na pinag-iisipan pa ng DTI, lalo na’t mas inaalala ang kaligtasan at kapakanan lalo na ng mga mapagbibigyan o kahit ng mga mamimili ng produkto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *