Mahigit 40-patay, libo-libong kabahayan-nawasak sa malawakang pagbabaha sa Haiti

AABOT sa mahigit 40 ang nasawi habang libo-libong kabahayan naman ang nawasak dahil sa malawakang pagbabaha sa Haiti.

Ayon  sa Civil Protection Agency ng nasabing bansa, dumami ang bilang ng mga nasawi makaraang lumalim at lumala ang tubig baha nitong nagdaang weekend partikular sa Port Au Prince na kabisera nito.

Sa isang panayam, sinabi ni Haiti’s Prime Minister – Ariel Henry na kasalukuyan nang gumagawa ng urgent measures ang kanilang gobyerno katuwang ang mga international institutions para matulungan ang mga residente.

Batay naman sa weather bureau sa lugar, ang nararanasang mga pag-uulan sa Haiti ay bunsod ng pagsisimula ng Atlantic Hurricane season tuwing buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre.### JUMEL DELA ROSA, Reuters

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *