Mahigit 40 senior citizen sa bayan ng San Marcelino tumanggap na ng tig-6thousand pesos na social pension

Tumanggap ng tig anim na libong piso ang mahigit sa apatnapung senior citizen sa bayan ng san Marcelino, Zambales mula sa Department of Social Welfare and Development.

Ito ay para sa kabuuang social pension ng mga seniors mula Enero hanggang Disyembre ngayong taon.

Noong Huwebes sept. 23 ay personal itong tinanggap ng mga benipisyaryo para may magamit na sa pangangailangan.

Samantala, pinaalalahanan naman ng lokal na pamahalaan ang mga pensioners na alagaan ang kanilang kalusugan at patuloy na tumalima sa health protocols. // Michelle Lopez – BNFM Olongapo

Photo Courtesy: PIO San Marcelino Zambales

May be an image of fruit, bottle and text that says '世 nigari にがり 安 Most minerals (from food) 8-12% absorbable μοδια Minerals from Nigari 98% absorbable. 290.00SRP 中'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *