Mahigit 600 mga residente ng Canaway, Malilipot, Albay, magkakaroon na ng libreng tubig dahil sa solar powered water supply system level 2 ng AKB partylist

LEGAZPI CITY – Isinagawa kahapon ng Ako Bicol Partylist (AKB) ang Blessing and Inauguration ng Solar Powered Water Supply System Level II sa Brgy. Canaway sa bayan ng Malilipot, Albay, kung saan pinangunahan ito ni Cong. Raul Jil Bongalon ng AKB, barangay officials at mga residente ang nasabing aktibidad.

Ayon kay Bongalon, humigit-kumulang 600 mga residente ang magiginhawaan na dahil sa libreng tubig matapos maipatayo ang proyekto ng nasabing party list.

Aniya, taong 2019 pa nang magkaroon ng isang innovative project tulad ng solar powers, water system level sa mga barangay sa Bicol Region.

Batay sa pag-aaral, 60-70% sa pitong libong mga barangay sa rehiyon ay walang pa ring access sa tubig na dahilan kung bakit sinimulan ang proyekto.

Sinabi pa ng niya, mas kinakailangan ngayon ng barangay at residente ang magkaroon na maayos na tubig na pag-iinuman sa kanilang lugar.

Samantala, nagpasalamat na rin ang mga residente dahil sa mayroon na silang makukuhaan ng tubig at hindi na kailangang gumising pa o maghintay ng hatinggabi o madaling araw para lang kumuha o mag-igib.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *