Mahigit 80-libo mga bata target sa oral polio vaccine supplemental immunization activity round 2 sa Camarines Sur

NAGA CITY- 80, 829 mga bata edad 0-59 months old  (0-5 anyos) ang  target sa Round 2 ng Oral Polio Vaccine Supplemental immunization activity sa Camarines Sur.

Ito ay mga bata mula sa mga bayan ng Bato, Bombon, Buhi, Cabusao, Calabanga, Camaligan, Canaman, Del Gallego, Gainza, Libmanan, Lupi, Magarao, Nabua at Tinambac.

Ayon kay Dr. Monrey Isaiah Mancilla, Regional Medical Coordinator for the national immunization program, ito ay para masigurong protektado laban sa polio, ipapatak lamang ang vaccine hindi ituturok.

Paliwanag ni Mancilla, hindi na rito kasama ang ibang mga bayan dahil naabot na nila ang 90-95% nang targeted population noong nagdaang taon. Hindi naabot ng ilang Rural Health Units dahil naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo.

Ayon sa DOH ang Polio ay nakakahawang sakit dulot ng poliovirus, nagreresulta sa pagkalumpo, hirap sa paghinga at pagkamatay.

Sa ngayon, zero case ang Bicol sa polio, subalit hindi pa rin nawawala ang banta nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *