Mahigit apat na libo katao sa Camarines Norte naghain ng Certificate of Candidacy sa unang dalawang araw ng filing period

CAMARINES NORTE – Umaabot sa 4, 386 na katao sa lalawigan ng Camarines Norte ang naghain ng Certificate of Candidacy sa unang dalawang araw ng filing period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Batay sa datos ng Commission on Elections Provincial Office mas marami ang naghain ng COC sa unang araw, August 28 na umabot sa 2, 411 habang 1, 975 naman sa ikalawang araw, August 29.

Sa bilang na ito 340 ang naghain ng COC sa pagka Punong Barangay habang 2, 539 naman sa pagka Barangay Kagawad.

Umaabot naman sa 287 ang naghain ng COC sa pagka- Sangguniang Kabataan Chairperson at 1, 220 sa pagka SK kagawad.

Ang mga nais pang maghain ng kandidatura ay may panahon pa hanggang sa Sabado, September 2.

Sa kabuuan ayon sa Comelec ay naging mapayapa naman ang unang dalawang araw ng paghahain ng COC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *