Mahigit isang milyon na National I.D sa Camarines Sur hindi pa naipapamahagi

NAGA CITY- Naniniwala ang Philippine Statistics Authority (PSA) central office na maabot ang target nitong 50 million physical at digital National I.D. cards ngayong 2022.

Ayon sa PSA, dumarami ang idini-daspatch na Philippine Identification Cards sa post office para sa delivery nitong third quarter pero sa Camarines Sur 200,000 pa lamang sa 1, 322, 641 na nagparehistro ang nadeliveran ng physical ID.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Jovylin Cacho , Acting Supervising Statistical Specialist II NG PSA-Camarines Sur.

Paliwanag nito, mabilis ang kanilang pagpaparehistro pero hindi nasasabayan ng central bank ang bilis sa printing dahil sa security features.

Sa panig naman ng Philippine Postal Corporation o Philpost kapag may bagong dating na ID , nagdodoble kayod sila upang maideliver ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *