Mahigit walong talampakang buwaya, nalambat sa Bataraza

Nilambat ang isang tinatayang mahigit walong talampakan ( 8.6 feet )na buwaya sa Barangay Puring, Bataraza Palawan.

Ito ay nahuli ng residenteng si Emmanuel Castillo sa ilalim ng kanyang bahay bandang alas-dos ng madaling araw ng Linggo, September 4, 2022.

Ayon kay PMAJ. DHENIES S. ACOSTA ng Bataraza PNP, agad nilang pinuntahan ang lugar kasama ang PCSDS matapo maitawag ang insidente.

Ang buwaya ay napag-alaman na may laman pa sa tiyan kaya hinala ng mga nakatira sa lugar ay may inatake itong hayop bago kinain.

Ang naturang hayop ay pinakawalan kalaunan sa Malatgao Baranagay Calamdanum , Bataraza, ganap na 3:10 ng hapon.

Paliwanag ng awtoridad, pinakawalan ang naturang hayop dahil hindi pa umano umabot sa sampung talampakan ang haba nito at ito ay kabilang na sa “Critically Endangered species” sa ilaim ng Resolution No. 15-521.

Pinag-iingat ng awtoridad ang mga nakatira sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *