Malacañang Heritage Tours na may 2 museo, bubuksan na sa publiko

Bubuksan na sa publiko ang Malacañang Heritage Tours, simula sa Huwebes.

Kaugnay nito, libreng makabibisita ang publiko sa dalawang mga museo na kinabibilangan ng Bahay Ugnayan at Teus Mansion.

Sa Bahay Ugnayan, itatampok ang buhay ni Pangulong Bongbong Marcos mula pagkabata, at lahat ng mga political endeavors nito hanggang siya ay maging Punong Ehekutibo ng bansa.

Sa Teus Mansion naman, mapanunuod at mai-kukuwento ang mga pangyayari sa likod ng mga nagdaang pangulo ng bansa at ang kanilang mga legasiya na iniwan para sa sambayanang Pilipino.

Layunin ng mga museo na ito na maipakita ang buhay at legasiya ng mga pangulo ng ating Republika.

Sa ganitong pamamaraan ay maisho-showcase ang kanilang kasaysayan para mapreserba ang nakaraan, at mahubog ang kinabukasan sa pamamagitan ng isang komprehensibong pananaw sa pagkapangulo, evolution nito, at mga impact niyan sa ating lipunan. //LGD, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *