Malaking bahagi ng Central Luzon, nasa critical category na dahil sa COVID-19

Patuloy ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa Central Luzon.

Dahil dito, malaking bahagi ng rehiyon ay pasok sa critical category dahil sa naturang sakit.

Sa datos ng Department of Health Region 3 as of January 20, 2022, ang lalawigan ng Aurora at Zambales lamang ang nasa moderate category.

Habang ang lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija at Angeles City ay pasok sa High Risk Category.

Samantala, ang Bataan, Pampanga, Tarlac at Olonggapo City ay pasok naman sa Critical Category.

Ang Central Luzon ay mayroong 328, 963 confirmed cases kung saan 28, 798 ang bilang ng mga aktibong kaso habang 293, 928 ang bilang ng mga recoveries.

Mayroon ring 6, 237 na naitalang fatalities sa rehiyon dahil sa Covid-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *