Mambabatas, nanawagang i-reallocate din ang tinapyas na confidential funds sa iba pang mga basic services

Umapela si indepentend minority lawmaker Albay Rep. Edcel Lagman na hindi dapat ibuhos ang lahat ng mga na-reallocate na confidential and intelligence funds (CIF) sa mga security agencies.

Sa isang panayam, sinabi ni Lagman na bagamat suportado niya ang pagpapalakas at pagdaragdag ng pondo sa mga ahensiyang pumo-protekta sa West Philippine Sea (WPS) gaya ng Philippine Coast Guard (PCG) – dapat daw ay pondohan din ang iba pang mga essential sectors sa bansa.

Kabilang na aniya rito ang pagpopondo sa edukasyon, sektor ng paggawa, pati na rin sa agrikultura.

Matatandaaang inalis, o tinapyasan ang mga non-security agencies ng hiling nilang CIF.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *