Mambabatas, tinupad ang pangako na tutulungan ang mga lokal na midya

Tinupad ni Ako Bicol (AKB) Partylist Representative Jil Bongalon ang kanyang naging pangako noong kampaya sa mga lokal na midya ng Sorsogon na tutulungan niya ang mga midya, lalo na sa mga probinsya.

Partikular na tinukoy ng mambabatas ang kapapasa pa lang sa Plenaryo, sa ikalawang pagbasa na HB No. 454 o Media Workers’ Welfare Bill na mula sa pinagsama-samang mga panukalang batas na naglalayong bigyan ng halaga ang kapakanan ng mga midya at mga kawani ng midya.

Si Bongalon ay tumatayong Principal Author ng nasabing bill na ang partikular na probisyon ay ang pagkakaloob ng sapat at nararapat na sahod para sa mga kawani ng media, social security, at welfare benefits.

Nilalayon din ng panukalang batas na ito na magbigay ng additional insurance coverage para sa mga media workers na nagkakahalagang P200, 000 death benefit, P200, 000 disability benefit, at P100,000 medical insurance.

Sa ilalim nito, magiging regular na rin ang employment status ng mga media workers pagkatapos ng 6 na buwan simula sa unang araw ng kanilang pagtatrabaho.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *