Mangingisda, patay sa kidlat sa Masbate; buntis na misis, nagdadalamhati

SORSOGON CITY – Patuloy ang pagdadalamhati ng buntis na misis ng isang mangingisda na nasawi matapos itong tamaan ng kidlat sa karagatang sakop ng lungsod ng Masbate.

Kasalukuyang nakaburol sa kanilang bahay ang biktimang si Jepoy Bartolay sa Brgy Bantigue ng nasabing lungsod.

Sa ulat, umalis umano ang biktima sa kanilang bahay gabi noong Linggo sakay ng kanyang bangka upang mangisda, subalit natagpuan ito kinabukasan sa laot na wala nang buhay.

Ayon sa kapwa mangingisda na nakarekober sa mga labi ng biktima, butas umano ang mata nito na pinaniniwalaang tinamaan ng kidlat.

Naiwan ni Bartolay ang kanyang nagdadalantaong misis at isang maliit pang anak.

Photo credits: NGStarnews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *