Marcoleta, planong italaga sa Department of Energy

Plano ni President elect Bongbong Marcos Jr. na i-appoint bilang bahagi ng kanyang gabinete ang tatlo sa mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang press briefing, sinabi ni incoming Presidential Communications Operations Office Secretary Trixie Cruz Angeles, kabilang sa mga ikinokonsidera ni Marcos ay sina Deputy Speaker Rodante Marcoleta, former Public Works and Highways Undersecretary Karen Jimeno at newspaper columnist na si Rigoberto Tiglao.

Si Marcoleta ay ikinokonsidera umano bilang susunod na Energy Secretary ngunit wala pa naman daw itong kumpirmasyon mula sa mambabatas.

Samantala, sinabi pa ni Angeles na hanggang sa ngayon ay marami pa ang nag-aaply para sa iba pang cabinet position ng Marcos administration.

Nire-review pa aniya ni Marcos ang mga application para sa cabinet position kung saan kailangan nilang maging fair o patas sa pagtatalaga ng mga bagong kalihim sa iba’t-ibang kagawaran.(CLAY MARQUEZ)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *