Marcos, ilalatag ang isyu sa West Philippine Sea sa kanyang state visits sa Indonesia at Singapore

Asahang tatalakayin ni President Ferdinand Marcos Jr. ang mga isyu na may kaugnayan sa West Philippine Sea, sa kanyang state visits sa Indonesia at Singapore sa susunod na linggo.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Teresita Daza, magkakaroon ng palitan ng ideya o pananaw sa regional at global developments, maliban sa mga usapin kaugnay sa mutual cooperation and strengthened bilateral at economic ties.

Dagdag ng DFA spokesperson, na ang state visit ni Marcos sa susunod na linggo ay saklaw rin sa pag-uusapan ang geopolitical issues.

Matatandaan na ang Manila ay nahaharap sa maritime dispute sa Beijing sa gitna ng incursions ng China sa karagatan ng Pilipinas sa South China Sea, na pinaniniwalaang mayaman sa natural gas deposits.

Una nang sinabi ng pangulo na maghahanap siya ng mga paraan para maresolba ang naturang isyu sa pagitan ng China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *