MARINA – sinuspinde na ang 2 sasakyang pandagat na nagbanggaan sa Batangas

Sinuspinde ng Maritime Industry Authority o MARINA ang safety certificate ng dalawang sasakyang pandagat na nasangkot sa aksidente sa Verde island sa Batangas.

Iniulat ng MARINA na ang kanilang regional office sa Batangas ang nag isyu ng suspension sa recreational safety certificate ng Hop and Go 1 at passengership safety certificate ng MV Ocean Jet 6.

Isasailalim sa masusuing saftey inspection ang dalawang sasakyang pandagat na ito para matukoy kung ligtas pa bang magagamit ang mga ito sa paglalayag.

Nagpadala na rin ng technical personnel ang MARINA mula sa kanilang enforcement division para imbestigahan ang insidente na ikinasawi ng 2 crew ng Hop and Go1 at ikinasugat ng mga pasahero nitong turista
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *