Mark Leviste, inamin na si Kris Aquino ang kanyang mundo

Taliwas sa sinasabi ng iba na huwag mong gawing mundo ang tao gayung maaari nga namang nakakabulag talaga ang pag-ibig.

Ito’y dahil inamin ni Vice Governor Mark Leviste na si Kris Aquino ang kanyang mundo.

Ayon kay Leviste, pinapahalagahan niya ang pagkakataon na binigay sa kanya para makasama at mahalin ang babaeng matagal na niyang hinahangaan.

Sinabi pa ng Vice Governor, 20 taon siyang naghihintay kay Kris at kahit pa na pinapalayo na siya nito ng Queen of All Media ay kumakapit pa rin ito sa kanilang relasyon.

Inihayag pa ni Leviste na ‘She is more than just my girlfriend, Kris is my world.’

Nabatid na magpi-pitong buwan na ang kanilang relasyon na mala-roller coaster dahil puno ito ng ups and downs pero manageable naman daw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *