Mataas na COVID-19 recoveries naitala sa Bicol

BICOL—Pumalo na sa 17, 989 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Bicol region matapos itong madagdagan ng 228 na bagong recoveries sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH) Bicol.

89 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, 53 sa lalawigan ng Camarines Sur, 45 sa Camarines Norte, 15 sa Albay at tig sampo ang Catanduanes at Sorsogon.

Samantala, 91 na panibagong kaso naman ang nadagdag kung kaya pumalo na sa 21, 725 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus sa rehiyon.

35 nito ay mula sa lalawigan ng Masbate kung saan 15 ang naitala sa lungsod ng Masbate, walo sa bayan ng Mandaon, lima sa bayan ng Aroroy, apat sa bayan ng Milagros, dalawa sa bayan ng Uson at isa sa bayan ng Balud.

30 kaso naman ang naidagdag sa lalawigan ng Camarines Sur kung sana 16 nito ay mula sa Naga City, tatlo sa bayan ng Tinambac, tigdalawa ang bayan ng Canaman at San Fernando at tig-iisa ang mga bayan ng Balatan, Bato, Buhi, Calabanga, Pili, San Jose at Sipocot.

14 na bagong kaso ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte kung saan apat nito ay mula sa bayan ng Sta. Elena, tatlo sa bayan ng Daet, tigdadalawa ang mga bayan ng Labo, Talisay at Vinzons at isa sa bayan ng San Lorenzo Ruiz.

Ang Albay ay nagtala ng limang bagong kaso kung saan tatlo nito ay mula sa lungsod ng Legazpi at tig-isa ang bayan ng Bacacay at Camalig.

Tatlong kaso naman ang nadagdag sa Catanduanes na mula sa mga bayan ng Bagamanoc, Caramoran at Virac.

Tatlong kaso rin ang naitala sa Sorsogon na mula sa mga bayan ng Bulan, Bulusan at Matnog habang mayroon namang isang nagpositibo na mula sa labas ng Bicol.

Pumalo na sa 813 ang death toll matapos na magtala ng dalawang panibagong nasawi na parehong mula sa lalawigan ng Albay.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.### 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *