Matapos ang sunud-sunod na taas-presyo sa produktong petrolyo – rollback, posible!

Matapos ang ilang linggong implementasyon ng mga big-time na umento sa presyo ng produktong petrolyo – sa susunod na linggo ay posibleng makapagluwag na ng sinturon ang mga motorista.

Sa pagtataya kasi ng mga oil industry sources, posibleng magpatupad ng rollback sa oil prices simula sa Martes.

Matapos ang trading sa world market ngayong linggo, posible ang rollback sa diesel ng dos pesos hanggang tres pesos kada litro.

Sa gasolina naman, asahan ang rollback ng hanggang sa kuwarenta sentimos kada litro – o ‘di kaya’y posible itong manatili sa kasalukuyang presyo.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *