Matteo Guidicelli – graduate na sa kolehiyo

Nakapagtapos na sa kolehiyo ang aktor at model na si Matteo Guidicelli sa kursong BSBA-Marketing Management sa University of San Jose-Recoletos sa Cebu City.

Kasabay ni Matteo na naka-graduate sa college ay si 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados para naman sa kursong BS Tourism Management.

Sa speech ng aktor, ibinahagi nito ang kahalagahan ng responsableng paggamit ng social media at kapangyarihan ng perception.

Inaanyayahan ni Matteo ang kapwa Josenian graduate na maging instrumento sa positibong pagbabago.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *